11.11.2004

Wala Na Lang Kasi

Muan 00/archives

leche!
kung p'wede ko lang sana gawin 'yung dati
malamang okay sana, sana hindi gan'to
sana p'wede ko pa rin syang makausap;
kunwari'y wala lang,
sasagot sa mga tanong n'ya ng "wala lang"
hanggang sa ang kunwari'y naging totoo
hanggang sa ang kunwari'y nawala na lang...

leche kasi eh! kung p'wude lang wala na lang kasi
sana p'wedeng patuloy pa rin ako kahit wala siya
sana ayos-ayos pa buhay ko ng wala siya
sabi ko naman kasi noon eh, sana huwag na lang...
sana hindi na lang, sana hinayaan ko na lang...
kunwari'y para sa'kin ang kanyang mga ngiti,
kunwari'y walang ibig sabihin ang mga hawak ko sa kanya
na wala akong nakikita tuwing titigan ko siya,
kunwari'y hindi ako nasasaktan sa mga kuwento niya
na hindi ako umiiyak pag malungkot siya
kunwari'y wala lang ako sa paningin niya
na "wala din lang siya"sa buhay ko...

leche wala na nga siya!
pero sa isip ko kunwari'y nandito pa siya
kunwari'y kausap ko pa siya, kasabay tumawa
masaya kunwari, na may karamay ako, gaya ng dati
kunwari'y walang problema.
walang bagay na hindi magpapaalala siya sa akin
sana gaya ng dati, hindi ko na lang sila nakikita
'pag kasama ko siya,
tulad ko sa sa kanya; "wala lang silang kabuluhan dati"
ngayon, silang nagpapaalala ng mga sandaling kasama ko pa siya
ng mga sandaling hinayaan kong mawala...

leche! kunwari pa kasi
gayong wala namang kunwari talaga
tulad ng wala lang dati, mayroon namang talaga
sana hindi ko na lang sinabe, di sana pareho pa rin ng dati
gaya ng dati, sana p'wede pa akong mabuhay
ng wala lang siya sa buhay ko
na kunwari'y wala siya...
gaya ng mga pagkukunwari ko dati, na hindi ko siya mahal
hanggang ang kunwari'y magkatotoo muli
hanggang ang kunwari'y mawala na lang muli

kunwari'y kakayanin ko naman?
wala na lang kasi eh.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home