Don't You Forget About Me
Margaux 10/12
'saw this on inq7.net snippets, catchy Ilocano title.
Last paragraph reads;
I'm thankful, and wherever you are,
please don't forget about me.
I had loved you even though you made me cry"
'saw this on inq7.net snippets, catchy Ilocano title.
Agyamanac!
By Zig Madamba Dulay
YOU Contributor
Hindi pa nawawala ang nana
ng pusong dinurog ng punyal
at dinikdik ng pino,
Nararamdaman pa rin
ang bawat kumpas ng hapdi
sa saloy ng luhang di makawala
sa nangungusap na mga mata.
Kahapon nang huli tayong nagkita
sa tagpuang tayo'y kilalang-kilala
tinuldukan mo ang mahabang samahan,
na sa akin ay yaring kamatayan.
Batid kong ito'y iyong kagalakan
kaya't ano pa nga ba
kundi tanggapin ang katotohanan.
Ipilit man ang aking kahilingan,
hindi na maibabalik pa ang dagitab
na totoo mula sa iyong kaibuturan.
Kaya't isang simpleng salamat na lamang
ang wari'y makakapagpabuti sa lahat.
Salamat sa oras na ginugol mo kasama ako,
sa panahong nadama ko ang tunay na ligaya,
at salamat din sa pagsama sa akin,
sa lahat ng oras,
dahil sa'yo nahanap ko ang dulo ng bahaghari.
Salamat sa pagturo sa inosenteng puso
kung paano magmahal,
at paano mahalin
kahit naglalaon din.
Salamat at itinuro mo sa akin,
na ang init ng pagmamahalan
kapag naglaon, lumalamig din.
Agyamanac, ayanna ka man itatta
madim koma nga liplipatan
inayat ka uray pinasangitnak.
Agyamanac -- terminong Ilocano ng "salamat"
Last paragraph reads;
I'm thankful, and wherever you are,
please don't forget about me.
I had loved you even though you made me cry"

0 Comments:
Post a Comment
<< Home