T for "tula"
Muan 10/19
(Ed's Note: Allow me to post this without proper consent from the author who prefers to be called "T". It's my blog anyways.. )
Tatlong beses umulan sa Marawi kahapon
Dahil kararating ko lang mula sa Marawi at
pangatlong beses kong sumakay sa eroplano
Dahil nangalay ang braso ko sa paghawak sa kamera
habang pinandidilatan ng isang Maranaw
Dahil lahat ng pagkain ay may lahok na luya
at kailangang magyapak sa paglusong sa pulang putik
Dahil ang pag-upo sa pondahan ay lubhang malungkot
at dahil naiintindihan ko si Coelho
Dahil naalala kita
Dahil kailangan ko ng kaibigan
at number two ka pa rin sa speed dial
at 'hindi siguro' ang sagot mo sa isang bagay
na pilit mong ipininid
Dahil sixty pesos per hour ang internet
at dahil isang linggo pa bago maayos ang computer
at kamukha mo ang technician
at lahat ng bagay ay umiinog sa 'yo
Dahil hindi maaaring magkamali si Linda Goodman
dahil hindi na kita mahal, bagkus
isa na lang mapanghing kumot
na ayaw palabhan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home