Turuan
Muan 12/27
Madalas kung banggitin dati,
Na iba ang nararamdaman, sa iniisip
Na iba ang gusto, sa masaya
Ngunit tanungin mo akong muli ngayon
Bahagya ko ng maiisantabi ang pagkakaiba
Tulad ng ngayon at kahapon
Tulad nu’ng mga panahong wala ka
At ngayong kaulayaw kita
Hindi mo maaring turuan ang puso
Dahil wala itong pang-unawa gaya ng isip,
Walang paniningin, walang naririnig
‘liban sa sarili nitong nararamdaman
Maging malungkot man ito o masaya
Sa pakiwari ko’y hindi na rin nito iniinda
Madalas kung sabihin dati,
Na iba ang nararamdaman, sa iniisip
Hindi man nananaig, ang dating dalisay na pagibig
at minsa’y inasam na sa iyo’y ipabatid,
Sa kabila ng mga pangamba at agam-agam,
Sa kabila ng mapaniil mong mga ngiti
Ang tinig mo’y mananatiling matinis
Gaya ng sila’y unang marinig
Madalas kung isipin dati,
Ang araw ay darating din
Daing man ay hindi madinig,
Matututuhang din kitang limutin
Ngunit habang ngayon ika’y kainiig,
Malamang hindi ako mahihirapang muli
Na matutuhan kang mahalin
Natuturuan din ang puso, ‘kala mo...
Madalas kung banggitin dati,
Na iba ang nararamdaman, sa iniisip
Na iba ang gusto, sa masaya
Ngunit tanungin mo akong muli ngayon
Bahagya ko ng maiisantabi ang pagkakaiba
Tulad ng ngayon at kahapon
Tulad nu’ng mga panahong wala ka
At ngayong kaulayaw kita
Hindi mo maaring turuan ang puso
Dahil wala itong pang-unawa gaya ng isip,
Walang paniningin, walang naririnig
‘liban sa sarili nitong nararamdaman
Maging malungkot man ito o masaya
Sa pakiwari ko’y hindi na rin nito iniinda
Madalas kung sabihin dati,
Na iba ang nararamdaman, sa iniisip
Hindi man nananaig, ang dating dalisay na pagibig
at minsa’y inasam na sa iyo’y ipabatid,
Sa kabila ng mga pangamba at agam-agam,
Sa kabila ng mapaniil mong mga ngiti
Ang tinig mo’y mananatiling matinis
Gaya ng sila’y unang marinig
Madalas kung isipin dati,
Ang araw ay darating din
Daing man ay hindi madinig,
Matututuhang din kitang limutin
Ngunit habang ngayon ika’y kainiig,
Malamang hindi ako mahihirapang muli
Na matutuhan kang mahalin
Natuturuan din ang puso, ‘kala mo...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home