3.15.2005

"O, tapos?"

Muan 03/15
Hindi ko batid kung bakit
bigla-bigla naisipan kong makita ka
gayung wala akong ibang hinangad
sa bawat minutong wala ka

Ang pahiwatig mo'y nakakapanibago
habang iniiwasan kung ika'y tingnan
parang umaapoy ang iyong mga mata
sa tuwing magbabangga tayo ng tingin
sa galit marahil o dili kaya'y sa inis

Habang tameme akong nakikinig sa iyo
iniisip ko rin na malamang
ayos lang din kung may balak kang ako'y batukan
at para ko ng nadidinig ang iyong tatanungin
kung ako ba'y magsasalita
o kung may nais man akong ipahiwatig

Subalit hayaan mong manubali at pakinggang ka
habang ikaw ay tahimik
sapagkat ako'y nangangarap din
na marahil gaya mo
baka sakaling ako'y iyong marinig

Sana wala ng katapusan
ang kuwento mong nakahuhumaling
ang mga "tapos", at "tapos" na paulit ulit..
hinding hindi ako mapapagod makinig.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home